Torpe (Isang Tula)

torpe

Kung alam mo lang…

Ilang buntong-hininga pa pinakawalan ko,

Ilang pagpuno ng hangin sa dibdib ginawa ko,

Ilang tapik sa balikat natanggap ko,

Ilang pagtutulak ng kaibigan naranasan ko…

Para lamang malapitan ka.

Tapos makikita pa kita,

Nakangiti sa kanya…

Ako naman ‘tong si gago,

Nang makalapit na sayo,

Nahulog pa sasabihin sa lalamunan ko.

Kailangan pang tumikhim para mailabas ng dila ko.

Pero p–tang ‘na!

Dalawa na lang na salita

Pasko at Bagong Taon ko nawala,

Di pa masabi na–

“Iniibig kita”.

The Black Pearl [3.1]

Chapter One
Downfall
Chapter Two
Outcast

************************************************************************************
Chapter Three
Refuge

“Nahuli namin sila sa kakahuyrrrran, Gat Ibal, na kahina-hinala ang mga kilos.”

Itinulak kami paluhod ng taong dumakip sa amin sa harap ng tinatawag nitong Gat Ibal. Nasaktan ako sa pagkakabagsak ko pero hindi ko iyon pinahalata. Nang tumingala ako, nakita ko ang larawan ng isang lalaki na may malakas na personalidad. Sa tantiya ko kasing edad lamang siya ng ama ko.

“May nakuha din kaming ginto na sa palagay namin ay mga nakaw,” patuloy ng lider ng grupo kanina. May sinenyasan ito, saka pumasok ang ang mga tauhan nito na dala ang mga bagay na nakuha sa amin.

“Anong pangalan mo munting binibini?” tanong ni Gat Ibal matapos tingnan ang mga gamit nila.

Naisipan kong ibahin ang pangalan ko. Pero nang titigan ko ang mga mata niya, hindi ko magawang makapag-sinungaling. Napayuko ako. “Suyen ang pangalan ko.”

“Magandang pangalan. Hindi mo ba alam na delikado para sa katulad mo ang na lumabas sa ganitong oras?”

“May mga kasama ako. Isa pa, kailangan ko makarating agad sa aming tahanan. May karamdaman ang aking ina.” Pinanindigan ko talaga ang kasinungalingan na sinabi ko kanina.

“Maski na. Hindi mo ba alam na nakarating na dito sa Ibalon ang mga kawal ng imperyong Tsina? Isang batang babae ang kanilang pinaghahanap na katulad ng deskripsyon mo.”

Tumiim ang tingin sa akin ni Gat Ibal. Parang may hinahanap ito sa akin. Kinabahan ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin nito.

“Ikaw ba ang Prinsesa ng Tondo? Ikaw ba si Dayang-dayang Suyen?”

Parang pasabog ang naging dating ng mga tanong nito. Hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot. Napatingin ako kay Basod at kay Onang. Pasimple silang umiling.

“Wala kang kailangang ipangamba, munting binibini,” sabi nito nang makita ang kanyang pag-alangan. “Ang bayan ng Ibalon ay bukas para magkanlong sa Prinsesa ng Tondo, at sa nasasakupan nito.”

“Hindi po ako ang Prinsesa, Ginoo,” tanggi ko. Mas makakabuti kung itatago ko na lamang ang katauhan ko. Sa puntong ito, walang akong ibang maaasahan na kakampi kundi ang aking sarili. “Kaya kung maaari, pakawalan mo na kami.”

“Hindi ko magagawa ‘yon. Maliban na lang kung maipalawanag niyo ng maayos ang mga gintong nakuha sa inyo. Kung hindi, bibigyan namin kayo ng karampatang kaparusahan.”

Walang sumagot sa amin.

“Kung ganoon, ipinag-uutos ko ang tatlong buwang pagtatrabaho ng walang bayad ng tatlong ito sa Ibalon. Sa pagtatapos ng panahong iyon saka ko pagde-disisyunan kung makakalaya na sila.”

(Itutuloy…)

The Black Pearl [2]

Chapter One
Downfall

********************************************************************************
Chapter Two
Outcast

Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pagod na naranasan namin sa Tondo at sa naging paglalakbay namin. Naswwwwa Urdaneta na kami, sa esatado ng pinsan ng aking ama, si Rajah Magubi. Gusto ko na sanang magpahinga, pero pinaharap pa kami sa Lupon ng Urdaneta.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa Tondo, Dayang-Dayang Suyen,” sabi ni Dayang Marilag, ang asawa ni Rajah Magubi. “Ikinalulungkot ko ang inyong sinapit. Bilang malapit na kamag-anak, gusto ka naming tulungan.”

Hindi ko naramdaman ang sensiridad ng sinabi nito. Pakiramdam ko kasi ng mga sandaling iyon ay ginigisa kami. Nakapalibot sa amin ang mga may katungkulan sa Urdaneta. Pakiramdaman ko pag-dedesisyunan pa kung tatanggapin kami doon o hindi.

“Kaya lang…”

Pinanghinaan ako ng loob sa dinugtong na iyon ni Dayang Marilag.  Kaya lang ano? Ibig ba sabihin hindi kami matutulungan ng Urdaneta? Ibig ba sabihin hindi kami bibigyan ng pansamantalang tirahan ng Urdaneta?

“Kaya lang, Dayang-dayang Suyen,” ang punong Lupon ng Urdaneta na si Datu Raon ang nagpatuloy sa sinabi ni Dayang Marilag. “Kapag pinatuloy ka namin, malalagay sa alanganin ang Urdaneta. Intindihin mo na wala kaming sapat na kapangyarihan para banggain ang Tsina.”

Gusto kong mapaiyak ng mga sandaling iyon. Kaya lang ay pinigilan ko. Kailangan isang larawan ng matatag na babae ang maipakita sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko ni Onang. Kahit papaano naramdaman ko na kahit pinagsasarhan ako ng pinto ng Urdaneta, meron pa rin akong kasama.

“Mawalang-galang na sa inyo at Rajah Magubi,” singit ng mandirigma ng Tondo na kasama nila, si Basod. “Pero pansamantalang tirahan lang ang hinihingi namin sa inyo. Maghahanap din kaagad ng lugar na malilipatan ang Dayang-Dayang Suyen.”

“Nandoon na kami,” si datu Raon. “Pero mainit pa sa mga mata ng intsik ang anak ni Rajah Maisog. Kahit pansamantala pa ‘yan, mahirap ang sumugal. Mahirap isugal ang libong mamamayan ng Urdaneta.”

“Hindi naman kailangan ipalam natin sa lahat na nandito ang Prinsesa ng Tondo. Pwede naman nating itago, hanggang makahanap kami ng ligtas ng lugar.”

“Maaari ngang itago, pero hindi natin alam kung may mga espiya ang intsik na nandito ngayon sa Urdaneta. Maaaring sa oras na ito, alam na nila na kinakanlong ng Urdaneta ang Prinsesa ng Tondo.”

“Pero—

Hindi na naituloy ni Basod ang ibang sasabihin. Hinawakan ko siya sa braso, at nang tumingin siya sa akin, umiling-iling ako. “Hayaan mo na, huwag na nating ipilit pa ang pananatili ko rito.”

Tumayo ako at saka yumukod sa Rajah na hanggang sa mga oras na iyon ay tahimik. “Base sa pag-uusap na ito, napagtanto ko na wala akong lugar para rito. Nauunawaan ko ang nasa loob niyo. Kaya naman ngayon din ay magpapaalam na kami. Maraming salamat sa oras na inilaan niyo.”

Walang lingon-likod at taas noong tumalikod ako at lumabas sa bulwagan. Hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na makita ako na parang aso na may galis na pinagtatabuyan. Ako ang Prinsesa ng Tondo. Hindi ako kailanman magpapakita ng kahinaan at pagkagapi sa harap ng mga tao na sa mga oras na ito ay tiyak na pinagtatawanan kami sa aming sinapit.

Nang makalayo-layo kami, saka humalagpos ang mga luha sa aking mata. Ang hirap pala na mamuhay na wala si Ama at Ina. Ang hirap pala na mamuhay na wala sa matibay na bakod ng Tondo. Ngayong gabi, hindi ko alam kung saan na kami pupulutin ngayon. Ni hindi ko alam kung may bukas pa ba akong makikita.

**********************************************************************************

Ilang araw na kaming naglalakbay, pero mapahanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang masisilungan. Nakakalungkot, dahil kung sino pa yung inaasahan mong tutulong sa’yo, siya pa yung tatalikod sa’yo. Ilang kaalyadong estado ng Tondo ang napuntahan namin, pero lahat sarado ang pinto para sa amin.

Ang totoo, hindi namin alam kung saan kami patungo. Gusto ko nang sumuko. Naiisip ko na sana kasama na ako nina ama at ina na namatay. Pero sina Onang at Basod, patuloy na pinapalakas ng mga ito ang aking loob.

Palipat-lipat kami ng tinutuluyan. Sa takot na baka matunton kami ng mga Intsik. Katulad na lang ngayon, may narinig kaming usap-usapan sa pamilihan ng Camarines na may  taga-Tondo daw na nakatakas at hinahabol ng mga intsik. Kahit bayad na ang upa namin para sa isang linggo, napilitan kaming lisanin ang lugar.

Patungo kaming timog. Kahit delekado dahil gabi na, hindi kami nagpapigil. Hinahabol kami ng mga Intsik.  At malapit na nila kaming maabutan. Papalabas na kami ng kakahuyan, nang may grupo na tumambang sa daanan namin. May mga sulo silang hawak at nakatutok sa amin ang kanilang espada.

“Sino kayo?” tanong nang parang lider nila.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Magpapakilala ba ako bilang Prinsesa ng Tondo? O baka kapag ginawa ko yun ay makokompromiso ang kaligtasan namin.

“Magsalita ka!” Hinawakan nito ang aking baba.

Napabunot ng espada si Basod at itinutok iyon sa Lider. Pero limang espada naman ang agad na nakatutk sa leeg ni Basod.

“Basod, ibaba mo ang sandata mo,” sabi ko.

Nang ibaba ni Basod ang sandata niya, napangisi sa akin ang Lider. “Ma-awtoridad ang salita mo bata. Isa kang  maharlika, hindi ba? At saan naman kayo kayo galing para maglakbay sa kadiliman ng gabi? May tinatakasan?”

“Wala kaming tinatakasan,” sabi ko.

“Pero kahina-hinala ang paglalakbay niyo. Lalo na dumaan pa kayo sa loob ng kakahuyan.”

“Nagmamadali kami. May karamdaman ang ina ko at kailangan niya ng gamot na dala namin,” pagsisinungaling ko.

“Talaga?” may pagdududang sabi niya. Sinenyasan niya ang mga kasama niya at saka hinalughog ang mga dala-dala namin.

“Ano ba? Gamit namin ‘yan, huwag n’yong pakialaman,” sigaw ni Onang.

“Amo, may mga ginto dito,” ani ng isang humalughog. Tiningan ng lider ang tinutukoy ng lalaki at nakumpirma nga nito ang gintong dala nila.

“Ninakaw n’yo ‘to, ano?” akusa sa kanya ng Lider.

“Pag-aari namin ang lahat ng iyan.”

“At bakit naman may dala ang isang batang katulad mo ng ganyan kadami na ginto? Isa lang sagot diyan, iyon ay dahil ninakaw niyo yan. Kaya rin pala kayo nagmamadali.”

“Wala kaming ninanakaw. Lahat ng dala namin ay pag-aari namin.”

“Huwag ka sa akin magpaliwanag. Kumpiskahin lahat ng gamit na ‘yan. At dakpin ang tatlong iyan.”

Hindi na ako nakapalag nngg dalawang malakas na kamay ang nagtali sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa kina Onang at Basod.  Wala kaming ideya kung nasaang lugar na ba kami. At wala kaming ideya kung anong mangyayari sa amin ngayon.

(Itutuloy…)

******************************************************************************

Definitely Filipino Blog

The Black Pearl [1]

Chapter One
Downfall

Sa gitna ng pagpupuimageswerlong, humahangos na pumasok ang mensahero sa bulwagan. Nasa mukha nito ang ang matinding emosyon—ang pagmamadali, at pagkatakot. Sa bawat pag-tigib ng pawis nito at paghakbang ay nagsasabing dala niya ang isang napakahalagang mensahe. Hindi makapaghintay. Mabilis siyang nagbigay galang kay ama. Sa panginginig na kamay, inabot nito ang iskrol na nababalot sa pula at gintong palamuti.

Nagtataka si ama na inabot iyon. Gayunpaman, nasa kamay nito ang pagmamadali ng alisin nito ang tali at iladlad iyon. Saglit pa lang nitong pinaraanan ang sulat ngunit agad na nagbago ang ekspresyon nito. Nakitaan ko rin siya ng takot. Napakunot ang noo ko.

“A-ang dinastiyang Ming ay…”

“Tama po, Rajah Maisog. Nasa baybayin na natin ang kanilang sasakyang pandigma. Sa mga oras na ito ay nagmamartsa na sila papasok ng bayan.”

Kasabay ng opisyal ng aking ama na naroon, narinig ko rin ang aking pagsinghap. Napatingin ako sa aking ina na nasa aking tabi. Nasa mata rin nito ang namamayaning emosyon ng sandaling iyon, ngunit may reserbasyon. Dumantay ang palad nito sa aking balikat.

“Walang mangyayaring masama,” sabi nito. Nasa boses nito ang paniniyak pero hindi nito naalis ang emosyong nasa aking dibdib na bawat sandali ay patindi ng patindi.

Walang sabi-sabing lumabas ako ng bulwagan. Narinig ko pa ang pagtawag ni ina pero hindi ko pinansin iyon. Mabilis akong tumakbo patungo sa pinakamataas na palapag ng Lakandula (Tahanan ng Rajah). Kasing bilis ng pagtibok ng aking puso na parang gustong humulagpos sa aking dibdib.

Narating ko ang terasa. At mula roon tanaw na tanaw ko ang larawan ngayon ng Tondo. Ang limang barkong pandigma ng Tsina; ang watawat nito na nakangiting nililipad-lipad ng hangin; ang mga sundalong naka-kulay dugo na sa bawat pagmartsa ay dagundong ang hatid sa akin; ang mga nagsasalimbayang palaso; ang tunog ng bakal sa bakal; ang pahaw ng mga bata; ang pagmamakaawa ng mga walang laban; at ang pagsilab ng apoy sa buong Tondo.

Pinangapusan ako ng hininga. Hindi ko makayan ang tagpo.

Sa murang edad, naranasan ko ang mabigo, ang matakot, ang magalit, ang desperasyon dahil alam kong wala akong magagawa kahit anong gawin ko at narito lamang ako ako at nakamasid habang nilulupig ang walang kalabang-labang Tondo. Ang bayang pamamahalaan ko pagdating ng panahon.

Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni ina. Doon nag-uunahang bumagsak ang aking mga luha. Humarap ako sa kanya. “Ang Tondo, inay,” sabi ko sa gitna ng mga hikbi.

Yumukod ito para magkaharap sila. “Alam ko,” mahinahon pa rin ito at masuyong hinahaplos ang luha sa aking pisngi. “Pero wala tayong magagawa sa pagkakataong ito, Suyen.”

“Hindi. Hindi puwedeng walang gawin, inay. Dito ako namulat. Dito ako natuto. Dito ako nangarap. Narito ang halakhak ko. Narito ang lungkot ko. Narito ang puso ko.”

Napangiti si ina at niyakap ako. “Masaya ako at naririnig ko yan mula sa’yo, Suyen. Pero dapat mo ring maintindihan ang katotohanan ng buhay. Hindi lahat ng bagay ay ganoon kasingdali sa pagbigkas ng salita.”

“Dayang Oreta, nakahanda na po ang lahat para sa inyong pag-alis,” putol sa kanila ng dama.

“Aalis tayo. Ngunit pansamantala lang ito.” Ang sagot ni ina sa nagtatanong kung tingin. “Hindi ito pagsuko o pagtanggap ng pagkatalo. Isa itong paglalaan sa ating mga arili ng espayo para makatugon sa hakbang ng Dinastiyang Ming.”

“Babawi tayo.”

Ang salitang iyon ni ina ay itinatak ko sa aking puso.

*****************************************************************************************

Mabilis ang yabag na lumapit siya sa karwahe namin. Napasinghap siya at alam ko kung bakit. Si ina. Nang makabawi siya nakita ay natagpuan niya ako sa ilalim ng upuan. Basa ang mga matang ibinuka niya ang braso para sa akin. “Halika rito, Ginoong Suyen.”

Yumakap ako sa kanya. Napahagulhol. Nang maramdaman kong medyo maaliwalas na ang aking pakiramdam ay binalingan ko si ina. Muli na naman akong napaluha. Tatlong palaso ang nakatudla sa katawan niya. Isa sa braso, isa sa tiyan at isa sa kaliwang dibdib.

“Kailangan mo nang magpaalam, Ginoong Suyen sa iyong ina. Hindi na ligtas para sa iyo ang lugar na ito,” sabi ni Onang.

Dumako ang tingin ko sa mga mata ni ina. Nakadilat siya. Walang nababakas doon na takot  pagmamakaawa. Bagkus nakaguhit sa labi nito ang ngiti ng tagumpay. At iyon ay marahil dahil buhay ako. Ipinikit ko ang mga mata niya, hinalikan sa pisngi, at niyakap ito ng mahigpit.

“Paalam ina,” bulong ko.

Nang makababa ako ng karwahe, isang kabayo na may lulang tao ang papalapit sa amin. Bago pa man ito makalapit ay nahulog ang sakay nito. Mabilis kaming lumapit sa kanya. Doon naming nalaman sa sugatan siya. Nakilala ko na mandirigma ito ng Tondo.

“Sugatan kayo. Halika muna at nang magamot iyan.” Akmang itatayo ni Onang ang mandirigma ngunit pinigilan siya nito.

Lumuhod sa harap ko ang mandirigma. Ginagap niya ang aking palad. Saka niya inilagay roon ang punyal na kilalang-kilala ko. Nakaukit sa talim niyon ang aking pangalan. Sa dulo ng hawakan nakalagay ang itim na perlas.

Napaluha na naman ako.

Naalala ko ang pag-uusap naming ni ama…

“Bakit po punyal ang regalo niyo sa akin?”

“Kasi katulad ka ng isang punyal. Maliit man kung ituring, o hindi man nabibigyan ng halaga, makakasugat at makakasakit ka pa rin. At katulad ng itim na perlas na nakakabit dito, bibihira lang sa mundo ang kagaya mo.”

“Wala na si Rajah Maisog, ginoong Suyen. Napatay siya ng isang heneral ng dilaw. Ginawa ko ang lahat upang ipagtanggol siya pero wala akong nagawa. Patawad kung naging mahina ako. Pinapunta ako rito ng iyong ama para sabihin sa iyo na simula ngayon, sa iyong balikat na hihilig ang Tondo at sa iyong mga kamay na aasa ng kaunlaran.”

Pinahid ko ang luha ko. Pinatatag ko ang ekspresyon ko. Ayoko nang umiyak. Hindi iyon makakatulong. Gusto kong mag-isip. May responsibilidad na ako. At hindi makakahadlang roon ang pagiging labing isang taong gulang ko para hindi matupad iyon.

“Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Ginawa mo lahat ng iyong makakaya. At salamat doon.”

Ginamot sandal ni Onang ang lalaki at ako naman ay nagbalot ng pagkain na kasya para sa amin para sa humigit kumulang apat na araw patungo sa Urdaneta. Hindi ko kinalimutan isilid sa lalagyan ang mga ginto na pinaka-importanteng midyum ng pamimili at pagdetermina ng katayuan sa buhay.

Umalis din kami kaagad sa takot na baka bumalik ang mga dilaw. Isang kabayo lang an gaming dala nang sa ganoon ay mabilis an gaming maging biyahe. Nasa labas na kami ng Tondo nang muli akong lumingon. Balot ng usok ang buong Tondo. At mula roon nakikita ko ang imahe nina Ama at Ina.

“Babalik ako para sa inyo,” usal ko. “Pangako.”

(Itutuloy…)

***************************************************************************

Definitely Filipino Blog